Ang Filipino boxer na si Manny Pacquiao ang Best Paid Athlete of Year 2010.
Ayon sa ESPN The Magazine, kumita ang congressman ng Sarangani Province ng estimated $32 million—o P1.376 billion—noong isang taon.
Ito ay dahil sa dalawang laban niya noong nakaraang taon na pareho niyang pinagwagian. Una kay Joshua Clottey noong Marso at pangalawa ay kay Antonio Margarito noong Nobyembre.
Ang tanging kapantay ni Pacquiao ay ang American baseball player na si Alex Rodriguez ng New York Yankees. Si Rodriguez ang nababalitang pakakasalan ng Hollywood actress na si Cameron Diaz.
Ayon sa The ESPN Magazine, parehong kumita ng $32 million sina Pacquiao at Rodriguez noong 2010 o "the most recently completed season or calendar year."
Hindi kasama sa pigurang ito ang endorsement at appearance fees, sponsorship deals, at iba pang sources ng extra income.
Sumunod kina Pacquiao at Rodriguez ang Formula One champion na si Kimi Raikkonen ng Finland, na may race winning na $26,333,333 noong isang taon.
Pangatlo ang NBA superstar na si Kobe Bryant na may $24,800,000.
Pumang-apat ang Portuguese soccer player na si Cristiano Ronaldo, na naglalaro ngayon para sa Real Madrid, na kumita ng $19.5 million.
Sinundan siya ng Venezuelan-born horseracer na si Ramon Dominguez na kumita ng $17,411,880.
Pang-anim naman ang tinaguriang "grand slam king of tennis" na si Rafael Nadal ng Switzerland na may $10,171,998.
Nasa ika-pitong puwesto ang British golfer na si Luke Donald na kumita ng $5,867,601.
Pinakamataas naman na puwesto sa hanay ng mga babae ang Belgian tennis player na si Kim Clijsters na kumita ng $5,035,060 noong nakaraang taon. Overall, ay nasa pang-walo si Clijsters.
Lalabas ang report na ito sa May 2, 2011 issue ng ESPN The Magazine.
Read More: ph.Yahoo.com
No Responses to "Manny Pacquiao is the Best Paid Athlete of Year 2010, according to ESPN The Magazine"
Leave a Reply